200 OFW sa Gaza Strip apektado ng Hamas attacks

Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na minomonitor na nila ang sitwasyon ng 200 Overseas Filipino Workers (OFW) na  nakatira sa Gaza Strip.

Ito ay matapos ang nagpapatuloy na tensyon at pag-atake ng Hamas laban sa Israel.

Mahigit 21,800 Filipino naman ang nasa Israel at marami sa mga ito ay caregivers, hotel workers, at service sector workers.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, na wala pang Filipino ang humihiling ng tulong o repatriation.

Matatandaang na naglunsad ng pinakamalaking pag-atake ang grupo ng Hamas sa Isarael sa pagpapakawala ng mga rocket at pagpapadala ng mga armadong kalalakihan sa ilang bayan ng Israel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *