200 SINOVAC at 340 JANSSEN COVID 19 Vaccines handang ituturok sa Senior Citizens, Comorbidities at Immediate Family ng Barangay Poblacion 1

Lebak, Sultan Kudarat. HANDANG iturok ang 200 SINOVAC at 340 JANSSEN COVID- 19 Vaccines para sa residenteng may Senior Citizens, Comorbidities at immediate family o mga frontliners na nagtratrabaho sa Public and Private Hospital sa bayan.

Sa isang panayam kay Chairman Emmanuel Sumugat nais aniya na maging maayos ang takbo ng aktibidad hanggang matapos ito habang nakatutok ang lahat ng mga Barangay Officials.

Bago ang Vaccination sa kanilang lugar naghouse to house sila para kumuha ng official listings para masigurong prayoridad sila sa isinagawang pamamakuna.

Sinabi pa ni Chairman Emmanuel Sumugat na matagal ng pinagaralan upang hindi magkakabalyahan sa pila na posibleng mauuwi sa siksikan.

Pinangagambahan ng mga opisyal sa Uno na maaring pagmulan ng super spreader event kagaya sa ibang nagdaang araw na nawala ang social distancing sa pila.

Sa ngayon buong pwersa ng Barangay Poblacion 1 ang nag-oobserba sa tamang health protocols alinsunod sa panuntunan ng IATF-Lebak dagdag ni Sumugat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.