20,000 na mga Filipino workers handang tanggapin sa Hungary

Naghahanap ngayong ang Hungary ng libong Pinoy na gustong mag-trabaho sa kanilang bansa.

Ayon sa Department of Migrant Workers, 10,000 hanggang 20,000 manggagawa ang handang tanggapin ng Hungary.

Nakausap na rin ng mga opisyal ng DMW ang labor officials sa Hungary at nakitang maganda ang inaalok nilang work class na benepisyo pati pabahay sa mga matatanggap na manggagawa.

Ang Czech Republic at Austria naman ay nakipag kasundo sa Pilipinas para sa sustainable o pangmatagalang requirement ng mga Pilipino na ngangailangan ng hangga sa 5,000 at 10,000 Pinoy skilled workers.

Kapalit ng pagkuha nila ng mga healthcare workers magpapa-aral sila ng mga nurse at iba pang-uri ng estudyante sa Pilipinas para hindi mag-kaubusan ng mga manggagawa.

Ang Italy at Germany naman ay interesadong kumuha ng mga Pilipinong manggagawa lalo na ang mga nurse.

Para sa mga nais mag-apply ng trabaho abroad bumisita lang sa approved Job section o website ng DMW.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *