2024 Inflation rate – posibleng maglaro sa 2-4%

Binigyang-diin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ipinanatili nila sa 2-4% ang inflation projection ng bansa ngayong taon hanggang sa 2028.

Ito ay matapos pag-aralan ang internal at external developments na nakaaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaugnay nito, iginiit ni Balisacan na banta pa rin ang climate change sa food security, maging ang mga kalamidad gaya ng El Niño.

Maaari rin aniyang makapagpahina sa househol consumption ang adjustment sa pamasahe, sahod, at service utility fees.

Samantala, batay naman sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, posibleng maglaro sa 3.4 hanggang 4.2% ang inflation rate sa bansa sa buwan ng Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *