21-anyos na rider, patay matapos mabangga at makaladakad ng dump truck sa  Lipa City, Batangas

Lipa City – Patay ang isang rider matapos itong mabangga at makaladkad ng isang dump truck sa bahagi ng Brgy. Inosluban Lipa City, Batangas.

Kinilala ang rider na si Rubeck Magnaye, 21 anyos at residente ng naturang lungsod.

Habang kinilala naman ang driver ng dump truck na si Joel Magawili, 40 anyos na residente rin ng nasabing lugar.

Sinabi sa Brigada Batangas ni Chief Investigator Ricardo Cuevas ng Lipa City Police Station, habang binabaybay ng dalawang sasakyan ang daan patungo sa Lipa City proper, kung saan nasa kanang bahagi ng daan ang rider, habang nasa kaliwang bahagi naman ng daan ang dump truck.

Bigla umanong lumiko ang dump truck patungo sa kanan na nagresulta  sa pagkabangga at pagkaladkad sa rider na naging sanhi naman ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa ngayon ay nagkasundo na ang dalawang panig para sa kaukulang danyos sa nasawing biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *