21 milyong piso, inilaan para sa mga “SCARE” ASF victims ng DA Region 2

Naglaan narin ng nasa 21 milyong piso mula sa quick response fund ang Department of Agriculture Region 2 para naman sa mga scare ASF victims na mga hog raisers.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DA RO2 Regional Director Narciso Edillo, sila ay ang mga napilitang nagbenta ng kanilang mga alagang baboy dahil natakot na baka mahawaan ng ASF ang mga ito.

Bagaman maliit lamang ito aniya na pondo subalit mayroon narin silang mga listahan na syang mabebenipisyuhan ng ibinabang ayuda.

Maliban dito ay inaasahan naring makapamahagi ang kagawaran ng sentinel pigs para sa mga magsasakang tinamaan ng ASF ang kanilang mga alagang baboy upang makapag-umpisa na sa muling pag-aalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.