Local News

213,000 families apektado ng bagyong Paeng sa Soccsksargen, BARMM

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 213, 970 na mga pamilya ang apektado ng bagyong Paeng sa Soccsksargen region at Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12, nasa 42,500 families ang apektado sa rehiyon 12 habang 171,470 naman sa BARMM.

Kabilang sa mga affected areas ang Sultan Kudarat, Cotabato province, Cotabato City, General Santos City, Sarangani at ilang lugar sa Bangsamoro Region.

Sa kasalukuyan, 8, 850 na mga pamilya o 42,730 na mga indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers matapos na sinira ng bagyo at ng tubig baha ang kanilng mga kabahayan.

Napag-alaman na 478 na mga bahay na ang naitalang totally damaged habang 172 naman ang partially damaged.

Samantala, nagpapatuloy ang pamamahagi ng DSWD 12 sa pamumuno ni Regional Director Loreto Cabaya Jr ng mga relief packs at iba pang ayuda sa mga apektadong pamilya.

BNFM Koronadal

Recent Posts

CCG, binomba ng tubig ang bandila ng Pilipinas na nakakabit sa isang barko ng PCG

Pinuntirya umano ng Chinese Coast Guard ang bandila ng Pilipinas na nakakabit sa isang barko…

5 mins ago

Chinese rocket debris – babagsak sa PH waters

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng debris ng rocket na inilunsad…

29 mins ago

Olongapo City nakuha ang Rank #2 sa overall result ng CLARAA matapos ang halos dekada

Lubos ang pasasalamat ng Olongapo City Sports and Youth Development sa Kagawaran ng Edukasyon, City…

33 mins ago

DA: Pagpapatupad ng price freeze sa buong bansa, hindi pa kailangan

Naniniwala ang Department of Agriculture na hindi pa kailangan ang mag deklara ng price freeze…

45 mins ago

Archdiocese of Caceres nagpulong na para sa paparating na National Youth Day Celebration na isasagawa sa Bicol sa susunod na taon

BNFM Bicol-Pinagpaplanohan na ng Caceres Youth Commission  ng Archdiocese of Caceres katuwang ang CBCP-Episcopal Commission…

53 mins ago

Negosyante, inireklamo ng isang sundalo matapos umano nitong hindi ibigay ang titulo ng binili nitong lupa

Inireklamo ng isang sundalo na si Alyas Jo ang negosyante at dati nitong kaibigan na…

54 mins ago