22-anyos na lalaki, binaril sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang 22-anyos na lalaki matapos itong barilin sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nitong Lunes, Marso 25.

Ayon sa police report, naglalakad umano noon ang biktimang si alyas “Niño”, 22-anyos, nang sumulpot ang suspek sa likuran at saka ito binaril.

Isinugod sa hospital ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling habang patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *