22-anyos na lalaki sa San Andres, Catanduanes arestado sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng hubad na larawan at video ng kanyang dating kasintahan

BICOL— Malamig na karsel ang kinalalagyan ngayon ng isang 22-anyos na lalaki matapos itong maaresto ng mga otoridad sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Palawig, bayan ng San Andres, Catanduanes.

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, nakilala ang suspek na si Jessie Boy Cornejo, residente ng nasabing lugar. Dumulog sa himpilan ng San Andres PNP ang 18-anyos at Grade 11 student na biktima at dito inireklamo ang sapilitang pagpapahubad sakanyan ng suspek sa harap ng camera para gumawa ng live show at malalaswang bagay habang nanunuod ang mga foreigner na parokyano ng suspek.  

Salaysay ng biktima, 15-anyos pa lamang siya ng magsimulang sundin ang kagustuhan ni Cornejo dahil sa pagbabanta at pananakot nitong ikakalat ang kanyang mga hubad na larawan kung hindi susundin ang kagustuhan ng kanyang dating kasintahan.

Gamit ang pekeng facebook account na nakapangalan sa dalaga, isinasagawa ng suspek ang transaksiyon sa mga parokyanong foreigner at kapalit ng mapagkakasunduang halaga ng pera ay ang paggawa naman ng babae ng malalaswang video para sa mga ito.

Bunsod nito, agad na nagsagawa ng entrapment operation ang PNP sa mismong bahay ng suspek kung saan ito positibong naaresto at nakumpiskahan pa ng mga ipinagbabawal na marijuana at pitong pakete ng pinaniniwalaang iligal na droga.

Nakatakdang sampahan si Cornejo ng kasong paglabag sa R.A 10175 o ang Cybercrime Prevention Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Paalala ng PNP sa publiko, maging alerto sa mga nangyayaring krimen online at huwag matakot na magsumbong sa Anti Cybercrime Unit ng PNP.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *