23 lgu’s sa isabela na naabot na ang 70% vaccine coverage; binigyang pagkilala ng DOH at PGI

Nasa 23 na munisipalidad at lunsod sa lalawigan ng Isabela na umabot ng hindi bababa sa 70% vaccine coverage ang binigyang pagkilala kasabay nang isinagawa kick-off activity ng National Vaccination Days sa City of Ilagan Medical Center.

Bilang insentibo ay nakatanggap din sila ng 30,000 pesos bawat isa  at Certificate of Appreciation mula sa Department of Health Region 2 at Provincial Government ng Isabela.

Top performing LGU ang munisipalidad ng Luna na lumagpas sa 70% ng target population nito sa 103.3%; sinundan ng bayan ng Reina Mercedes sa 96.7%; Gamu na may 88.4%; Cabatuan sa 80.6% at Mallig sa 80.0%.

Ang iba pang munisipalidad/lungsod na nakapagbakuna ng hindi bababa sa 70% ng target population ay kinabibilangan ng Lungsod ng Cauayan, Burgos, Quirino, City of Ilagan, Delfin Albano, San Manuel, Quezon, Jones, Dinapigue, Roxas, Angadanan, Aurora, Ramon, Santa Maria, San Mariano, Naguilian, San Guillermo at Maconacon.

Photo/Isabela PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *