24 oras na operasyon ng mga jeep, posible sa ilalim ng PUVM

Isa ang fleet management o proper dispatching ng mga modern jeepney sa mga ipatutupad sa ilalim ng PUV modernization program.

Ayon kay Office of Transportation Cooperative o OTC Chairman Andy Ortega, sa ilalim ng proper dispatching ang ilalabas lang ng mga kooperatiba na bilang ng mga unit ay yung tama lang at kailangan sa kalye.

At kapag merong proper dispatching, tuloy tuloy na tatakbo ang mga modern jeepney 24 oras.

Kadalasan daw kasi tuwing rush hour lang pinipili ng mga jeepney bumyahe, at kung may mga okasyon naman ay pinipiling hindi bumyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *