25 displaced workers sa Isulan, nakabenepisyo sa TUPAD ng DOLE 12

KORONADAL CITY- NAKINABANG sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 ang 25 mga displaced at self-employed workers, mga kababaihan at mga senior citizens.

Kamakailan lamang, natapos na ng mga ito ang kanilang 10-araw na community clean-up activities sa Barangay Bambad sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Ang mga ito ay nagsagawa ng community works sa mga riverbanks, public market, at community garden.
Makakatanggap ang mga benepisyaryo ng tig P 3,360 na sweldo sa 10 araw na pagtatrabaho o P 336 per day batay sa minimum wage.

Una nang nakatanggap ang mga ito ng TUPAD shirt, personal protective equipment, at na-enroll sa GSIS Personal Accident Insurance.

Noong 2021, umabot sa P 13 milyones na TUPAD assistance ang natanggap ng LGU Isulan halin sa DOLE 12 kon sa diin 3, 197 ka mga indibidwal ang nakabenepisyo sini.

Ang TUPAD ay isang community-based package ng assistance na nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers kung saan maaari ang mga itong magtrabaho sa loob ng 10 hanggang 30 araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *