254 barangay sa Masbate, idineklarang ‘PNG’ ang NPA

SORSOGON CITY – Idineklarang Persona Non Grata ang rebeldeng CPP-NPA ng 254 barangay sa lalawigan ng Masbate, ayon ito sa ipinalabas na datos ng Police Regional Office 5, Camp BGen Simeon Ola.

Sa ulat, pinagtibay ng mahigit 200 barangay na ito ang kanilang pagtakwil sa ipinasang Resolution ng bawat Sangguniang Barangay sa pagdedeklara ng PNG sa mga rebeldeng CPP-NPA.

Nakasaad sa kanilang resolusyon ang pagkaka-isa ng mga residente sa bawat barangay na ideklarang PNG ang nasabing hukbo dahil sa hinahasik na karahasan at pananakot ng mga ito na hindi dapat tangkilikin ng sinumang mamamayan.

Ayon sa PRO5, aabot na sa 1,178 na barangay sa Bicol ang nagdeklarang PNG sa NPA kung saan pinakamarami dito ang Camarines Sur na umabot sa 558 barangay. Ang Masbate ay sinundan ng Catanduanes na nakapagtala ng 252 na barangay.

Resulta umano ito ng mas pinalawak at pinaigting na combat at non-combat operations na isinagawa ng puwersa ng PNP at Phil Army lalo na sa mga mamamayan na nasa kabundukan.

Positibo naman ang PRO5 na madagadagan pa ang bilang ng mga barangay na susunod na magdedeklara ng kanilang pagtakwil sa naturang hukbo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *