26-anyos na lalaki, sugatan sa pananaksak ng 5 menor de edad sa Mauban, Quezon

Sugatan ang isang 26-anyos na lalaki matapos itong pagtulong-tulungang saksakin ng limang menor de edad sa Mauban, Quezon nitong Sabado, Enero 13.

Ayon sa police report, nag-iinuman noon ang limang mga suspek nang dumating ang pinaniniwalaang lasing na biktima at doon na nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mga ito.

Nauwi sa suntukan at pananaksak ang nasabing pagtatalo kung saan nagtamo ng tatlong (3) saksak sa likuran ang biktima.

Samantala, pansamantalang nasa kustodiya ng Mauban MPS ang mga suspek at itu-turn over rin ito sa DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *