266 na mga Barangay, 133 SK officials sa Catanduanes, maikukunsederang “full compliant” sa Full Disclosure Policy

BNFM Bicol-MAIKUKUNSEDERANG “Full Compliant” o sumusunod sa alituntuning pagpaskil ng mga kinakailangang mga dokumento ang nasa 266 at  133 mga SK sa lalawigan ng Catanduanes.

Kung susumahin batay sa inilabas na datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region Bicol, makikita na 84.44% sa mga barangay at 42.23% naman sa mga SK ang may naipapakitang maayos at sumusunod na dokumento at mga transaksiyon na may kinalaman sa paggastos ng kani-kanilang mga pondo.

Sa kabila nito, aabot naman 29 na mga barangay at animnapu’t limang mga SK ang mga kabilang sa ‘partially compliant” habang nasa 20 pa sa natitirang barangay at 117 pang mga SK sa probinsiya ng Catanduanes ang hindi compliant sa naturang polisiya.

Ang Full Disclosure Policy ay nakapalaman sa DILG Memorandum Circular na kung saan opisyal nang nagtapos ang deadline ng pagsumite ng kani-kanilang mga FDP. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *