2,672 PNP at AFP members ilalatag sa mga polling precincts sa Camarines Sur; campaign period ngayon mas tahimik ayon sa PNP

NAGA CITY- 2,672 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilalatag sa 930 polling precincts sa Camarines Sur sa National and Local Elections sa Mayo 9.

1, 860 rito ang mga personahe ng Camarines Sur Police Provincial Office habang ang 812 ay sa AFP.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni PLtCol. James Ronatay, tagapagsalita ng CSPPO na sa kanilang pag oobserba masasabing mas matahimik ang campaign period ngayon kumpara noong nagdaang halalan. May mga naaresto aniya sa paglabag sa Omnibus Election Code ng Commission on Elections (COMELEC), wala namang naitatalang karahasan may koneksyon sa eleksyon.

Umaasa ang PNP na magpapatuloy ang katahimikan sa araw at pagkatapos ng botohan.

Mababatid na Pebrero 8 nagsimula ang pangangampanya ng mga kandidato sa National position habang Marso 25 sa mga kandidato lokal pareho magtatapos sa Mayo 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *