27-anyos na misis pinagsasaksak-patay sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Labis ang pagdadalamhati ng mga kaanak ng 27-anyos na misis matapos na masawi ng pagsasaksakin ng live-in partner nito sa Pili, Camarines Sur.

Sa report ng PNP nangyari ang insidente sa Barangay Sagrada Pili nito pang Hulyo 17, nakasaad pa sa ulat na nagkayayaan mag-inuman sina “Cath” at mga katrabaho nito, pero habang nasa Bagaporo Residence (tindahan) dumating ang suspek na si “Dan” , 30-anyos residente ng Sagraga Pili upang pag-usapan ang problema nila sa pagsasama hanggang sa mauwi sa argumeto at nangyari na ang krimen. Dinala pa sa ospital ang biktima pero sinawimpalad.

Sinabi sa Brigada News FM ng imbestigador ng pangyayari, may dati nang hindi pagkakaunawaan ang mag live-in partner, sa katunayan umuwi na ang babae sa magulang nito. Sa imbestigasyon nadatnan umano ng suspek ang inuman , nagkakatuwaan ang mga naroroon at ang pag-aakala nito pinagtatawanan siya.  Nagdilim umano ang pagtingin kaya nagawa ang pananaksak.

Sumuko ang suspek sa pulisya. Mahaharap sa kasong murder si “Dan”.

Payo ng pulis sa mga mag-asawa ayusin kaagad ang gusot upang hindi mauwi sa sakitan o madugong pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *