27 na bagong kaso  ng  COVID-19 naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 27 na bagong kaso ng Covid-19 ang lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend

Sa ipinalabas na case bulletin report ng DOH Bicol nakapagtala ng 17 na bagong kaso nitong sabado habang 10 kaso ang naitala kahapon

Pinakamaraming naitala ang bayan ng Daet na may 10 bagong kaso,  sinundan ito ng Talisay na nkapagtala ng 4 at tig-tatlong kaso ang Sta. Elena at Basud

Habang may tig-da-dalawang kaso ang mga bayan ng Paracale, San Vicente at Vinzons

May tig-i- isang kaso naman ang Jose Panganiban, Labo at San Lorenzo Ruiz 

Wala namang naitalang nakarekober at pagkasawi dahil sa COVID-19

Bunsod nito,  muling umakyat sa 622 ang aktibong kaso habang sumampa na sa 3994 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *