27 panibagong kaso, 8 nakarekober at 3 pagkasawi naitala ng DOH Bicol sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE – Umakyat ang bilang ng mga naitatalang panibagong kaso, gumaling sa sakit at nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa report ng DOH Bicol kahapon

Sa bilang ng mga panibagong kaso, nadagdagan ng 27  ang lalawigan kung saan naitala ang 8 sa bayan ng Paracale, 7 mula sa bayan ng Labo , may 5 sa bayan ng Daet, 3 sa Mercedes, 2 mula sa San Lorenzo Ruiz  habang may tig-1 kaso ang bayan ng San Vicente at Sta. Elena

8 naman ang naitalang gumaling matapos na makarekober sa sakit habang may 3 ang naiulat na nasawi sa COVID-19

Sa ngayon ang Camarines Norte ay may 156 na aktibong kaso ng COVID-19

Habang umakyat naman sa 328 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at sumampa na sa 30 ang bilang ng mga nasawi

Sumatotal, mayroon ng 514 na kabuuang kaso ng COVID-19 ang naitatala sa lalawigan simula noong March 2020  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *