29-anyos na lalaki, pinagbabaril-patay sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Tumbaga 1, Sariaya, Quezon nitong Linggo, Marso 24.

Ayon sa report, nagtatrabaho noon ang 29-anyos na biktima sa isang meat shop nang dumating ang suspek at saka ito pinagbabaril.

Isinugod pa sa hospital ang biktima subalit kalaunan ay binawian rin ito ng buhay.

Samantala, nagpapatuloy naman ang awtoridad sa isinasagawang mga operasyon upang matugis ang nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *