2K jeep operators at drivers sa Pasig, makikiisa sa tigil-pasada

Makikiisa ang tinatayang nasa 2K na mga jeepney operators at drivers sa Pasig City sa tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni Rodolfo Molina, isa sa mga board member ng Pasig Pateros Jeepney Operators and Drivers Association (PPJODA).

Ayon kay Molina, ‘last card’ na ng mga tsuper ito para ibasura ang December 31 deadline ng franchise consolidation.

Bukod dito, isinusulong din ng grupong PISTON na tuluyan nang alisin ang mandatory PUV modernization.

Binigyang-diin ni PISTON National President Mody Floranda na dapat mahiya ang Gobyerno dahil mawawalan ng kabuhayan ang maraming tsuper at magugutom ang kanilang pamilya pagpasok ng Bagong Taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *