3 Chinese Nationals na sangkot sa umano kidnapping, arestado ng pulisya

Bumagsak na sa kamay ng Biñan Component City Police Station (CPSS) ang tatlong Chinese Nationals na nagsagawa ng kidnapping sa Pasay City.

Ito ay matapos ang isinagawang hotsuit operation ng pulisya.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Office, Officer-in-charge, Police Colonel Harold Depositar ang mga suspek na sina alyas “Tan”, alyas “Yang” at alyas ” Hui”.

Haharap naman sa patong-patong na kasong kidnapping, extortion at grave coercion ang mga suspek.

Samantala, nakumpiskahan din ng baril at bala ang mga suspek matapos ang nasabing operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *