3 kalaboso sa paglalaro ng Tupada sa Batangas City

BATANGAS CITY – Arestado ang tatlong mga kalalakihan matapos na maaktuhan ng mga awtoridad na naglalaro ng iligal na sabong o Tupada sa Brgy. Tingga Labac, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga naaresto na sina Loremil Catapang, 49 anyos; Leonardo Festejo; 71 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Tingga Itaas, Batangas City at Thommy Aguilon, 58 anyos, residente ng Brgy. Malitam, Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas CPS, sa inilunsad na operasyon ay akto ang mga ito na nahuli ng mga miyembro ng Intelligence operatives at Batangas Maritime Police Station na naglalaro ng Tupada bandang 1:45 ng hapon kahapon ng Lunes.

Narekober mula sa mga ito ang dalawang manok, dalawang tari at P1,500 na taya.

Sinabi ng imbestigador ng kaso na si PSMS Teodorico Magboo na ang mga narekober mula sa mga ito ay magsisilbing ebidensya sa isasampang kaso laban sa kanila.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree o PD 449 partikular na ang Anti-illegal cockfighting.

Ang pagkaaresto sa mga suspek ay kasunod sa sumbong sa awtoridad ng mga concern citizen sa area. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *