3 kalalakihan, nahulihan ng umanoy ‘tsongki’ sa Puerto Princesa

Arestado ng pulisya ang tatlong kalalakihan sa Anti-illegal Drug Operation bandang alas-diyes kagabi, June 21 sa Caimito Street Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Ang mga nahuli ay sina Raye Jones Arnesto 20 anyos, (estudyante) Red Ballaran 18 anyos (estudyante) at Airon Mortel, 25 anyos.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office, nabili umano ng poseur buyer sa mga suspek ang isang pakete na may laman na hinihinalang Marijuana sa halagang P500.00.

Maliban rito, nasamsam rin sa suspek na si Raye Jones ang isang sling bag, G-shock (black box) na may laman na hinihinala rin na dahon ng marijuana, light blue box na may laman na apat na piraso ng papel may na pinatoyong dahon ng hinihinalang Marijuana, coin purse, pera na ginamit sa operasyon at cellphone.

Nakuha naman sa suspek na si Aironn ang isang kaha ng sigarilyo na may laman na isang pakete kung saan nakasilid ang pinatoyo umanong dahoon ng Marijuana.

Samantala, ang tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 and 11 in relation to 26, Article II ng Republic Act 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *