3 kasunduan, nilagdaan ng PH at Australia sa state visit ni PBBM sa Australia

Nilagdaan ng Pilipinas at Australia ang tatlong kasunduan, matapos humarap si Pangulong Bongbong Marcos sa Australian Parliament.

Kabilang sa mga nilagdaang memorandum of understanding ay ang mga agreements patungkol sa maritime cooperation, cyber at critical technology, at ang effective implementation ng mga competition laws and policies ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang tatlong bagong kasunduan ay idagdag sa naunang 120 agreements na una nang inaprobahan ng Pilipinas at Australia sa pagbisita noong nakaraang taon ni Prime Minister Anthony Albanese.

Nabatid na kabilang sa naunang kasunduan na pinirmahan ng dalawang bansa ay ang MOU sa Work and Holiday Arrangement; National Soil Health Strategy, at ang Joint Declaration on Strategic
Partnership.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *