3 – katao, kumpirmadong patay sa nagpapatuloy na wildfire sa Greece

TATLO na ang kumpirmadong patay sa nagpapatuloy na wildfire sa Greece.

Batay sa ulat, dalawang piloto at isang magsasaka ang kabilang sa mga nasawi kung saan natagpuan na lamang umano ang sunog na bangkay ng 41-anyos na ‘stockbreeder’ na nawawala nito pang nakaraang Linggo.

Samantala, ang dalawang piloto naman ay nasawi matapos na bumagsak ang sinasakyang CL-215 plane, na tumutulong sana sa pag-apula ng apoy.

Sa pinakahuling pagtataya, 10% umano ng Rhode’s land area ay natupok na ng sunog, habang ngayong araw ng Miyerkules ay inaasahan ang pagtaas ng temperatura sa lugar, bunsod ng isang linggo nang nagaganap na wildfire.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *