3 katao, nakuhaan ng mahigit P100,000 na halaga ng umano’y shabu

KORONADAL CITY — TATLO katao ang arestado sa implementasyon ng warrant of arrest na may kinalaman sa illegal na droga sa Morrow Street, Barangay Zone II, nitong lungsod.

Sa nasabing operasyon, isang minor de edad din ang na-rescue ng mga otoridad.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Jaiton Camsa, 48, may-asawa at Aisa Camsa, 55-anyos, may asawa at kapwa mga residente ng Purok Ycon, Barangay GPS, Koronadal City.

Nahuli din sa operasyon ang isang Kiven Utto, 27, single habang nailigtas naman ang isang 15-anyos na kapwa mga residente sang Sumilalao, Sampao, Rajah Buayan, Maguindanao.

Narekober sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, isang sasakyan, logbook ng financial transaction at dalawang resibo.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng PDEA-12 ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *