3 lalaki, arestado sa drug buy-bust ops sa Lucena City; Nasa 208k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat

Arestado ang tatlong (3) lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Marketview, Lucena City nitong Miyerkules, Pebrero 14.

Ayon sa police report, bandang alas-1:42 ng madaling araw ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Kurimao”, 28-anyos; alyas “Arthur”, 47-anyos at alyas “Michael”, 37-anyos.

Sa gitna ng operasyon, nasamsam kay alyas Kurimao ang isang (1) itim na wallet at isang (1) sachet ng hinihinalang shabu habang kay alyas Michael naman nakuha ang buy-bust money.

Tinatayang aabot sa halagang ₱208,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam mula sa mga suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *