3 mangingisda mula Catanduanes, na rescue sa Rapu-Rapu, Albay matapos masiraan ng makina ang sinasakyang bangka sa gitna ng laot

BICOL—Tatlong mangingisda mula sa Catanduanes ang maswerteng na rescue at naisalba kahapon sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay matapos na masira sa gitna ng laot ang makina ng bangkang sinasakyan ng mga ito.

Batay sa inisyal na ulat, kinilala ang mga mangingisdang sina Nelson Cuison, 55-anyos; Bret Michael Cuison, 25-anyos at Teodoro Buendia, 55-anyos pawang mga residente ng Brgy. Marinawa sa bayan ng Bato.

Salaysay ng mga biktima, habang nasa gitna umano sila ng karagatan ay bigla na lamang namatay ang makina ng bangka na kanilang ginagamit sa pangingisda, ngunit buti na lamang ay agad silang nasaklulohan ng apat na indibidwal kaya’t ligtas silang nakadaong sa pang-pang.

Laking pasasalamat naman ng mga ito sa mga residente sa lugar na nagmalasakit sakanilang tatlo, dahil kung hindi dahil sa mga ito, marahil ay napahamak na aniya sila.

Matatandaan na kahapon, ay nagpalabas ang pamunuan ng Philippine Coastguard Catanduanes ng memorandum kaugnay ng samantalang kanselasyon sa biyahe ng lahat ng uri ng mga sasakyang pandagat, dahil sa banta ng bagyong Dante.

Bawal rin ang anumang uri ng aktibidad sa karagatan, gaya ng pangingisda upang iiwas ang mga mangingisda sa peligro sa laot sa mga panahon na may nagbabadyang sama ng panahon.##

Photo Courtesy: Bing Besmonte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *