3 pang suspek na umabandona ng sanggol sa gasolinahan sa QC – arestado

Arestado na ang tatlo pang mga suspek na umabandona sa bagong panganak na sanggol sa isang CR sa gasolinahan sa Quezon City.

Ang tatlo ang siyang sakay ng sasakyan kasama ang nanay ng bata.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa bahay na tinitirhan ng mga suspek sa lungsod ng Antipolo.

Dahil dito, nagsagawa sila ng hot pursuit operation na nagresulta sa pagkaaaresto ng tatlong salarin. 

Una nang inaresto ang ina ng bata at sinampahan din ng kaparehong reklamo sa tatlo na kasong infanticide at child abuse ang suspek.

Samatala, bumubuti naman ang kalagayan ng bata at pinagalanan itong ‘Baby Malaya’ – dahil sa Barangay Malaya nangyari ang naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *