3 panibagong kaso at 14 na recoveries naitala sa Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Nadagdagan ang mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19 sa Camarines Norte sa tala ng DOH Bicol  na ipinalabas kahapon

Sa case bulletin report ng DOH Bicol na may petsang May 25, 2021, umakyat na sa 320 ang total recoveries na naitala sa lalawigan matapos na makapagtala ng 14 na bagong mga pasyente na nakarekober sa sakit.

Habang may 3 panibagong kaso na naitala mula sa bayan ng Basud, Labo at Sta. Elena dahilan upang sumampa sa 488 ang naitatalang kabuuang kaso ng COVID-19

Sa ngayon ang lalawigan ay may 141 na aktibong kaso habang nananatili sa 27 ang bilang ng mga nasawi sa sakit

Mayroon namang 5 na nagnegatibo ang resulta matapos sumailalim sa swab test

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *