3 Pinoy na sangkot sa pagdukot sa 1 Chinese businessman, arestado sa Muntinlupa City

Arestado ang tatlong Pinoy na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese businesman sa Muntinlupa City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, naaresto ang tatlo ng mga tauhan ng Anti Kidnapping Group sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City kaninang alas 7 ng umaga.

Sabi ni Fajardo, naganap ang kidnapping kahapon sa isang establisyemento sa Paranaque, at matapos nito ay nanghingi ng ransom ang mga suspek ng P3.5 Million.

Na trace ng mga pulis ang kinaroonan ng mga suspek at saka nagsagawa ng operasyon

Sa ngayon nasa kustodiya ng AKG ang biktima at mga suspek

Hindi nman POGO related ang kidnapping.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *