3 survivors sa PAF helicopter crash sa Bohol, stable na!

Inanunsiyo ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas na stable na ang tatlong suvivors sa nangyaring aksidente at ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan sa Cebu.

Ang helicopterโ€™s co-pilot na si 1Lt. Hilary Bunao, ay nakakalakad na subalit nanatiling naka-confine sa Benito Ebuen Airbase Hospital sa Mactan Island.

Habang sina Airman 1st Class Bonn Arasola at Airman 1st Class Rex Anapyo ay bumubuti na rin ang kalagayan matapos magtamo ng sugat sa ulo at dibdib.

Naiuwi na rin ang bangkay na nasawing si Capt. Aurelios Olano sa kanyang hometown sa Bohol.

Sa initial report ng Philippine Airforce sinasabing lumipad mula sa Mactan Airbase ang McDonnell Douglas MD-520 “Defender” attack helicopter para sa isang periodic maintenance flight ng bigla itong makaranas ng air turbulence na nagresulta sa aksidente. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *