3 truck nagkarambola, 3 patay

Tatlo ang agad binawian ng buhay matapos magkarambola ang tatlong trailer truck sa Sitio Pamuhatan, Barangay Marilog , Marilog District, Davao City.

Sa report ng Marilog Police Station kinilala ang mga namatay na sila Virgilio Pajo Jr. at asawa nitong si Jovelyn na residente ng Maragusan, Davao de Oro at Julius Onez driver ng isa sa mga truck at isinugod naman sa ospital ang pahinante nitong hindi pa nakikilala.

Base sa testimonya ni Oliver Jay Adtoon, survivor, at driver ng isa mga truck na papunta umano sila sa Bukidnon area at pagdating sa nasabing lugar ay doon nila nakasalubong at truck na minamaneho ni Onez na umano’y kinain na ang kanilang  linya at doon na nangyari ang karambola.

Naabutan pa ng Brigada ang tatlong truck na halos hindi na mahitsura, bakas ang malakas ng impak ng banggaan at isa ang bumaliktad sa gitna ng daan.

Sa ngayon patuloy na ginagamit ang hindi pa nakikilalang pahinante habang nag-iimbestiga na ang otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *