CAMARINES NORTE- Umaabot sa tatlumpung magsasaka sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan, nanggaling ang mga ito sa iba’t- ibang barangay ng naturang bayan
Ang maganda umano nito ay dinala sa Municipal Building ang proseso ng pagbibigay ng “Financial Assistance” para sa mga Capalonguenos na lehitimong Rice Farmers na dapat sana ay ginanap sa Daet.
Nangyari ito sa pakikipagtulungan ng LGU a pamamagitan ni Municipal Agriculturist – Dr. Hulsey Orit.
Malaking tulong umano ang ginawa ng DA para sa mga taga Capalonga na Rice Farmers at sa mga Bedridden nang magsasaka, dahil hindi na sila maaabala sa pagpunta sa Daet bagkus mapapadali na ang proseso dahil ginanap ang distribution sa municipal building.
Ang Rice Farmers Financial assistance ay isang programa ng DA sa layuning matulungan ang mga magsasaka lalo na ngayong mahirap ang buhay na dulot na rin ng kinakaharap na pandemya.
Katuwang ng DA ang mga lokal na pamahalaan sa naturang programa.
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…