30 million na Zinundungan RIS-project ng NIA sa Cagayan, natapos na

Natapos na ng National Irrigation Administration o NIA ang proyektong Zinundungan River Irrigation System sa Brgy. Sicalao, Lasam, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, pinondohan ito ng 30.332 million pesos at nakatakdang ganapin ang inagurasyon sa May 10,2021.

Batay sa inilabas na report ng NIA, nagmumula sa Sicalao River ang tubig na dumadaloy sa nasabing irigasyon.

Mayroon itong ogee length na 52. 4 meters at taas na 2.6 meters habang aabot naman sa 2.050 cubic meters per second ang discharge capacity nito.

Ayon pa report, kaya nitong patubigan ang nasa 2,938.78 na ektarya ng sakahan at operational area na 2,127 sa 23 na barangay sa Lasam, Cagayan at makikinabang rito ang nasa 1,639 na magsasaka.

Inaasahan naman ng NIA Top Management Officials ang socio-economic benefits ng Zinundungan RIS sa Lasam kung saan tinagurian ito game changer project sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *