30% ng palayan sa Gainza , Camarines Sur napepeste ng daga; synchronize na paglason gagawin bukas

NAGA CITY- Pinoproblema ng mga magsasaka sa Gainza, Camarines Sur ang pesteng daga, namamatay ang palay habang ang iba ay nakaka recover pa pero hindi namaganda ang kalidad.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Agriculture Officer Engr. Alex Togño sinabi nito na mula Disyembre 2023  ito na ang sakit sa ulo ng mga nagtatanim ng palay. Patuloy nilang ginagawan ng paraan at humingi na rin ng tulong sa Department of Agriculture Bicol. Sa ngayon 30% na ng mahigit isang libong ektarya ng sakahan ang apektado. Nagsusumite ng notice of loss ang ilang mga masasaka para sa insurance.

Nitong Pebrero 15, nagkaroon  ng sabayan na paggawa ng lason laban sa mga daga. Layunin ng aktibidad na ito na masugpo ang lumalalang problemang dala ng mga peste sa pananim. Nagtulungan ang mga opisyal ng Barangay Dahilig, Namuat at Cagbunga sa suporta ma rin ng MAO, iniikot pa ang ibang mga barangay. Bukas Pebrero 18, magkakaroon  ng synchronize na paglason. Dumami ang populasyon ng daga sa bayan dahil matagal nang hindi nababaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *