30 water meter, nanakaw mula Enero 2024- MNWD

NAGA CITYUmabot na sa 30 lahat na mga metro ng tubig ang naitalang ninakaw mula pa sa buwan ng Enero, hanggang ngayong buwan ng Marso 2024 ,batay sa talaan ng Metropolitan Naga Water District na kung saan ipinagbibili sa mga bayang malapit lamang sa lungsod, tulad ng sa Bombon, Camarines Sur.   

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Naga ni Jesus Salvador Dela Cruz, Public Information Officer ng MNWD na kabilang sa barangay na may mataas na insidente ng nakawan ay sa Panicuason, 11 metro ang nawala at sa Calauag, siyam naman.

Paalala niya, haharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No.1612 o Anti-Fencing Law ang sinumang bumibili ng nakaw na metro tulad ng ginawa nila sa isang negosyante sa bayan ng Bombon na nakasuhan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *