300 putahe ng baboy, tina-target ng isang grupo upang makamit Guinness World Record

Tina-target ng National Federation of Hog Farmers (NFHF) na makamit ang Guinness World Record sa paghahain ng halos 300 pork dishes.

Gaganapin ang kanilang attempt sa Hog Festival 2024, kasabay ng National Pig Day Celebration.

Ayon kay Rodolfo Ona, Vice President ng NFHF, magsisimula ang kapistahan sa March 1 at matatapos sa March 5.

Nilalayon nitong i-reintroduce ang local hog farmers na bumabangon pa mula sa pinsala ng African Swine Fever (ASF).

Kasabya nito, nairrs rin nilang ipakilala ang Filipino pork sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *