300,000 Moderna shots, nakatakdang dumating sa PH sa June 21

Inaasahang darating sa bansa ang nasa 300,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine sa June 21. 

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, June 21 ang target na petsa ng delivery para sa unang batch ng Moderna vaccines. 

Pagkatapos nito ay may ipapadala umano muli na mga bakuna sa July, August, at September. 

Mababatid na bumili ang Pilipinas ng nasa 20 milyong doses ng American brand na Moderna vaccines, 13 milyon dito ay binayaran ng national government habang ang pitong milyon ay binayaran ng private sector. 

Sinabi ni Romualdez na umaasa ang Estados Unidos na magpatuloy na ang pagdo-donate ng bakuna sa global aid initiative na COVAX Facility sa oras na ma-meet na nila ang kanilang target immunity pagdating ng July.

Matatandaang bumili rin ang Pilipinas ng bakuna mula sa iba pang American brands gaya ng Pfizer-BioNTech na 40 milyong doses, at Johnson and Johnson na limang milyon. 

Gayunman, di pa inaanunsyo ang delivery dates para sa mga nasabing vaccines. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *