Business

300K trabaho muling mabubuksan ngayong GCQ na ang NCR plus – DTI

Naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez na posibleng umabot sa 200,000 hangang 300,000 na mga manggagawa ang posibleng makabalik sa kanilang mga trabaho matapos bahagyang luwagan ng pamahalaan ang quarantine restrictions sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay Lopez malaking tulong para sa ekonomiya ang paglalagay sa NCR plus sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi ito ‘yung traditional na GCQ dahil may malaking pag-iingat pa rin ginagawa bagama’t marami nang mga sektor ang pinayagan na muling makabalik sa kanilang operasyon.

Sinabi ni Lopez na lahat ng retail, manufacturing, economic activities, agriculture, ay bukas na ngayong GCQ.

Ang tanging maiiwan na lamang sa ngayon ayon sa DTI chief na bawal pa ay ang mga nasa entertainment venues, recreational, at amusement parks.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

4 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago