31 person deprived of liberty o PDL, napalaya ngayong buwan ng Iwahig Prison and Penal Farm

Nasa tatlumpo’t isang (31) mga person deprived of liberty ang napalaya ng iwahig prison and penal farm ngayong buwan na ito ng Enero 2024.

Ayon kay CTOII Levi Evangelista, tagapagsalita ng IPPF, ang mga napalayang PDL ay ang na-aquite sa kaso, nabigyan ng parol at mga nakatangap ng tinatawag na Good onduct time allowance o GCTA.

Dagdag pa ng opisyal na ang pagpapalaya sa mga PDL ay dumaan sa mahusay na proseso na kaagad ini-emplementa ng kanilang tanggapan sa oras na dumating ang discharge notice mula sa kanilang national office.

Bukod rito ang pagpapalaya sa mga PDL ay hindi kailangang i avail ng mga ito bagkos, ang mismong kolonya ang nagbibigay sa kanila ng GCTA na dumadaan sa mga evaluation kung saan pangunahing tinitingnan dito ay ang pagpapakita magandang karakter sa loob ng penal farm.

Kaugnay nito sa ngayon ay target ng IPPF na makapagpalaya ng mahigit apat na raang mga PDL ngayong taon na mas higit pa sa bilang ng nakalipas na 2023 na umabot ng humigit kumulang limang daang PDL.

Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy ang mga magagandang programa ng IPPF upang matulungan ang mga PDL kahit sila ay nasa pangangalaga ng kolonya at upang mapabilis din ang kanilang pag laya sa pamamagitan ng mga prebileheyong ibinibigay ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *