32 close contacts sa 5 nagpositibo sa Covid-19 sa Camalig Albay isinailalim na sa swab testing

LEGAZPI-Isinailim sa swab testing kahapon ang 32 na katao na naging close contacts ng limang panibagong nagpositibo sa bayan ng Camalig sa Covid-19.

Ayon sa lokal na gobyerno ng Camalig, ang mga ang nasabing close contacts ang isinailalim sa na sa test sa Camalig Training Center (CTC) screening/holding area for returnees sa Brgy. Salugan, nang nasabing bayan.


Dagdag pa nito, kahapon rin ang kinukunsiderang, highest single-day tally ng bagong nagpositibo sa naturang sakit simula naging outbreak nito noong nakaraang taon.

Samantalang ang Municipal Health Emergency Response Team (MHERT) ang gumawa narin umano ng aksyon at mga plano pagpapatupad ng minimum health protocols.

Kung babalikan ang limang bagong record ang mula sa barangay taladong.

Sa ngayon, aabot na sa sa kabuuhang 72 na kumpirmadong kaso ng tinamaan ng Corona Virus sa kanilang bayan, 53 recoveries, 6 na ang namatay at nasa 13 ang aktibong kaso at patuloy na nagpapagaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *