32 pinaghihinalaang miyembro ng private armies ang nahuli sa Laguna – COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Elections na may 32 mga pinaghihinalaang mga miyembro ng private armed groups ang naaresto sa Laguna, ilang araw bago ang 2022 elections.

Ayon kay election Commissioner George Garcia, inaanunsyo nila kung ang aktibidad ng mga naaresto ay may kaugnayan sa halalan o konektado sa mga lokal na kandidato sa kanilang probisnya.

Umaasa ang poll body ay maihahain ang tamang kaso, at matukoy kung sinu ang mga pangunahin sa likod ng umano’y private armed groups.

Samantala, pinuri naman ni Garcia ang mga arresting officers na in charge sa operasyon laban sa naturang mga indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *