34O thousand pesos na halaga ng droga narekober sa drug buy-bust operation sa Polangui, Albay

LEGAZPI-Aabot sa 340 thousand pesos na halaga ng pinaniniwaalang ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang Drug personality sa kinasang Drug-buy bust operation sa Purok 6, Brgy. Kinale Polangui Albay.


Sa report ng Polangui Municipal Police Station ang suspek ay kinilalang si Randy Abonite Priolo, 39 anyos na residente ng Brgy. Alomon ng nasabing bayan. Ito rin ay kinukunsiderang HVI o High Value Target kan PDEA at PNP sa ilegal na droga.


Mismong ang pinag-isang pwersa ng PDEA Albay Provincial Office, Polangui PNP at Albay PPO ang nagkondukta ng operasyon na kung saan dito na narekober ang aabot sa 50 gramo ng droga na mayroong market value na 340 thousand pesos at mga non-drug items.


Samantalang nasa kustodiya na ito ng mga otoridad para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *