35 anyos na lalaking may kasong frustrated homicide huli sa bayan ng Vinzons

CAMARINES NORTE- Nadakip ng pinagsamang pwersa ng mga otoridad ang isang 35 anyos nalalaking may kinakaharap na kasong frustrated homicide bandang alas 11:00 ng umaga, nitong June 8, 2021 sa Sitio Buhay-hay Purok 3, Barangay Napilihan, Vinzons

Ang akusado ay nakilalang si REY MACAUYAM y Papares, at residente ng naturang lugar

Si MACAUYAM ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Frustrated Homicide na ipinalabas ng RTC Branch 38 Daet, Camarines Norte na may petsang July 14, 2015

Ang korte ay nagrekomenda ng piyansang nagkakahalaga ng dalawampu’t Apat na Libong Piso  (Php 24,000.00) para sa pansamantalang kalayaan nito

Nakakustodiya ang arestadong indibidwal para sa kaukulang disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *