35 baril kumpiskado, 32 arestado sa Comelec gun ban

Iniulat ng Police Regional Office 5 (PRO5) na halos 35 na baril ang nakumpiska at naaresto ang 32 violators dahil sa paglabag sa ipinatutupad na gun ban kaugnay sa BSK Elections simula noong Agosto 28 hanggang Oktubre 31.

Ayon sa tagapagsalita ng PRO5 na si PMaj Malu Calubaquib, nakakumpiska rin sila ng 370 mga bala, limang deadly weapons at aabot sa 36 na violators ang nasampahan na ng kaso.

Nauna rito, sinabi ng PNP na ang mga naarestong indibidwal ay kinasuhan ng paglabag sa probisyon sa Omnibus Election Code na nagbabawal sa hindi awtorisadong pagdadala o pagdadala ng mga baril at nakamamatay na armas sa labas ng mga tirahan, negosyo, at pampublikong lugar.

Magkakabisa ang pagbabawal o ang gun ban, hanggang Nobyembre 29 nitong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *