37th place worldwide: PH, nakapagbakuna na ng higit 4-M COVID shots — NTF

Nakapagbakuna na ang Pilipinas ng mahigit 4 million COVID-19 vaccines, dahilan para pumuwesto ang bansa sa 37th place worldwide pagdating sa vaccination.

Ayon sa National Taskforce (NTF) Against COVID-19, 4,097,425 na ang naituturok na vaccine doses, kung saan 3,147,786 ay para sa first dose, habang ang 949,939 ay para sa second dose.

Dagdag ng task force, na batay sa Bloomberg report, ang bansa ay pangalawa mula sa 10 Southeast Asian countries, pang 13 mula sa 47 bansa sa Asya at 37th mula sa 196 countries worldwide, pagdating sa bilang ng vaccinations.

Giit ni NTF chief implementer Carlito Galvez, ang 4 million mark ay isang “milestone” sa National Vaccination Program, na magdadala papalapit sa target na makamit ang daily vaccination rate na halos kalahating milyon, at maabot ang herd immunity bago matapos ang 2021.

Maliban dito, kumpiyansa rin si Galvez na madodoble ng bansa ang naturang bilang, at makakapagbakuna pa ng mahigit apat na milyong tao, basta’t may sapat na suplay ng bakuna. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *