38th Infantry Batallion – itinanggi ang pagpatay sa isang sibilyan at iginiit na miyembro ito ng NPA

Iginiit ni Lt. Col Michael Angelo Candole, Commander ng 38th Infantry Batallion Philippine Army na lehitimong operasyon ang naganap noong Agosto 27, 2023 sa Sitio Matingao, Barangay Tabilil, Kiamba Sarangani province.

Ito ang kanyang tugon sa alegasyon ng isang nag-ngangalang Marilyn mula sa Kiamba na pinatay umano ng mga sundalo ang kanyang asawa na si Alvin Ponto, 52 anyos , isang magsasaka , noong Agosto 27 sa nasabing lugar.

Ayon sa opisyal na kasali si Ponto noon sa engkwentro ng mga rebelde kaya imposibleng magsasaka lamang ito

Dagdag pa nito na tinambangan ng rebeldeng grupo na kinabibilangan ni Ponto ang kanilang hukbo na naging dahilan kung bakit nasugatan ang dalawa nilang kasamahana na sundalo.

Samantala bwelta naman ni Marilyn sa pahayag ni Col. Candole na wala itong katotohanan at nagsisinungaling ang mga sundalo at iginiit nito na sibilyan ang kanyang asawa.

Inihayag din nito na si Ponto ay nagsusumikap na magtrabaho sa bundok para matustusan ang pangangailangan ng kanilang sampung anak, at ito ay isang mabuting tao.

Ayon kay Marilyn, ang kanilang Padre De Pamilya ay isang asset ng militar noong 2001, ngunit pinayuhan niya ito at hiniling na huminto , bagay na itinanggi ni Col. Candole at iginiit na lahat ng residente ng lugar ang hiniling nilang tumulong sa pagbabantay para sa seguridad kaya lahat sila ay kinukunsidera bilang kanilang asset.

Sa kasalukuyan, nagsampa na ng kasong murder ang pamilya ni Alvin Ponto laban sa 38th Infantry Battalion Philippine Army.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *