39-anyos na lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa kaniyang anak

Inaresto ng  National Bureau of Investigation’s (NBI) Violence Against Women and Children Division ang isang 39-anyos na lalaki matapos siyang akusahan ng kanyang anak ng panggagahasa.

Kwento ng biktima, ginagahasa siya ng kaniyang ama sa loob ng dalawang taon.

Dagdag pa niya, ang kanyang tiyuhin ang unang gumahasa sa kanya noong 2022.

Humingi pa siya ng tulong sa kanyang ama ngunit hindi umano siya nito pinansin at makalipas ang ilang araw, ginawa rin ito ng kanyang ama at paulit-ulit siyang ginahasa tuwing umaalis ang kanyang ina para magtrabaho.

Bukod sa may asawa, inamin rin ng suspek na may girlfriend at boyfriend din siya.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa statutory rape complaint na inihain ng NBI sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Iniimbestigahan na rin ang kanyang bayaw dahil sa panggagahasa habang nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang biktima habang sumasailalim sa counselling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *